Dumulog ang Philippine Coast Guard sa Justice department at Immigration bureau kaugnay sa anila'y kahina-hinalang mga banyaga na ni-rescue nila kamakailan sa may karagatan ng Eastern Visayas. Nauna nang nagpasalamat ang Chinese embassy sa pagtulong ng coast guard sa kanilang mga mangingisda na napadpad sa may bandang Samar.<br /><br />Pero sa ulat ni senior correspondent David Santos, may pagdududa ang coast guard sa pagkakakilanlan ng mga mangingisda maging ang kanilang pakay kung bakit sila napunta sa ating karagatan.
